Naghahanda ang mga Filipino sa Israel sa posibleng muling pag-atake ng Iran.
Ito matapos isinailalim sa heightened alert ang security establishment ng Israel matapos ang intelligence warnings na posibleng muling umatake ang Iran sa bansa.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Geraldine Gonzaga, isa sa rason ng posibleng pag-atake ng Iran ay ang plano ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na invasion sa Gaza.
Ayon kay Gonzaga, itinaas ng Israel Defense Forces ang readiness levels at nagsagawa ng dalawang major drills kagaya ng pagsimulate ng isang Iranian strike sa north at pagtest ng rapid coordination sa ginta ng IDF, Shin Bet at Mossad bago ang holidays at potential Gaza escalation.
Sa ngayon, tahimik ang sitwasyon sa bansa ngunit sila ay naghahanda sa kung anuman ang posibleng mangyari.
Ayon kay Netanyaho, kung nag-e-explore ang Iran ng mga options nito, preparado naman ang Israel upang magcounter sa anumang pag-atake upang masiguro ang national security.
Kampante naman si Gonzaga sa depensa ng Israel kung sakaling mag-escalate ang gyera.