-- ADVERTISEMENT --

Nagpatupad na ang Department of Agriculture (DA) ng importation ban sa baboy at pork products mula Vietnam.

Ito ay matapos na nagpositibo ang Vietnam African Swine Fever (ASF) virus.

Ngayong pending pa ang official memorandum order para sa embargo sa karneng baboy mula sa VIetnam, inatasan na ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol ang Bureau of Animal Industry (BAI) na ipatupad ang importation ban simula noong Pebrero 17.

Ayon sa kalihim, ngayong araw pa niya lalagdaan ang memorandum order na magbabawal sa pagpasok ng pork products mula Vietnam.

Iginiit ni Piñol na ang Pilipinas ay isa sa mangilan-ngilang bansa sa mundo na hindi pa napapasok ng mga livestock diseases, kabilang na ang Footh and Mouth Disease.

-- ADVERTISEMENT --