-- ADVERTISEMENT --

BACOLOD CITY – Dead on the spot ang lahat na mga pasahero ng isang kotse matapos madaganan ng truck na puno ng tubo sa Bago City, Negros Occidental kaninang hapon.

Totally-wrecked ang Eon Hyundai na sinasakyan ng lolo, lola, anak at apo matapos natumbahan ng ten-wheeler truck sa Purok Malipayon, Barangay Atipuluan, Bago City.

Natagalan pa bago nahatak ang mga pasahero dahil kinailangan pa ng rescue teams ng crane.

Nakitang niyayakap pa ng lola ang kanyang apo nang sila ay hinatak mula sa kotse.

Kaagad na namatay ang mga ito dahil sa malalaking sugat sa ulo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa interview ng Bombo Radyo Bacolod sa mga nakasaksi sa aksidente, huminto umano ang kotse dahil pagiwang-giwang ang truck ngunit kaagad itong natumba at sila ay nadaganan.

Ang mga namatay ay kinabibilangan ng driver na si Romulo Espinosa, 59; asawa nitong si Josephine, 53; anak na si Cristine Sarcia at apo na si John Vincent Sarcia, 3, residente ng Brgy. Batuan, La Carlota City, Negros Occidental.

Mula sa Bacolod ang magkamag-anak at pauwi na sa La Carlota City ang mga biktima nang nangyari ang aksidente.

Kulong na ngayon sa Bago City Police Station ang driver na si Herman Majometano ng Hacienda Pili, Brgy. Pacol, Bago City.