Tatlong bangkay ng mga lalaki ang natagpuan sa lungsod ng Talisay, Negros Occidental kahapon.
Unang natagpuan ang isang bangkay at inabandonang motorsiklo sa Hacienda San Isidro, Barangay Concepcion, Talisay City alas 2:20 ng madalaling araw.
Pangalawang natagpuan ang naaagnas ng bangkay sa Hacienda Minuluan Mendoza, Barangay Matab-ang, alas 9:00 ng umaga.
Ang pangatlong bangkay ay natagpuan alas 2:00 ang oras kahapon ng hapon malapit sa lugar kung saan natagpuan ang unang bangkay sa Hacienda San Isidro, Barangay Concepcion.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Police Major Rhazl Jim Jocson, Deputy Chief of Police ng Talisay City Police Station, natagpuan ang mga sa bangkay sa liblib na mga lugar kung saan hindi madaling mapansin ng mga tao.
Sa kanilang imbestigasyon, may dumaan na motorsiklo at tricycle sa grupo ng mga kabataan at ipinagbigay alam na mayroong abandonadong Euro Viper Man 150 na motorsiklo sa gilid ng taniman ng tubo at mayroong helmet na nakalagay sa kilid nito.
Noong tiningnan na ng grupo ng mga kabataan ang lugar, doon ng mga ito nakita ang bangkay ng isang lalaki at pinagbigay alam din ng mga ito sa mga nakakatanda sa kanila at ito ang nagreport sa
Talisay City Police Station.
Ang biktima ang tinatayang may edad na 45 hanggang 50 anyos, nakasuot ng blue na t-shirt, maong short pants at green na tsinelas.
Ang motorsiklo ang may plate number na 061609, at may kulay na black and white color combination.
Samantala ang pangalawang bangkay ay nasa advance stage of decomposition na at tinatayang may edad na 45 at ito ay nakasuot ng blue na shorts.
Ang pangatlong biktima na natagpuan alas 2:00 ng hapon ay tinatayang may edad na 35 hanggang 40.
Ito ang nakasuot ng blue na sando, maong pants, itum na rubber shoes at may tatoo sa kanyang kanang braso.
May narecover din sa lugar na susi ng motorsiklo, isang kitchen knife at itim na sling bag na may laman na tools na ginagamit sa pag-aayos ng motorsiklo.
Ayon kay Jocson, isinailalim ang mga bangkay sa forensic examination upang malaman kung ano ang ginamit sa pagpatay sa mga biktima.
Ang dalawang bangkay na nakita sa Hacienda Isidro ay maaring magkakilala.
Patuloy pa ang pagpanawagan ng mga kapulisan sa mga residente at nagcoordinate din sa mga karatig na police stations upang humingi ng tulong para malaman ang identity sa tatlong bangkay na natagpuan sa Talisay City, kahapon.